Close

Infra budget ng ilang distrito, tumaas sa pag-upo ni Velasco

Sponsor ads


Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na tumaas ang infrastructure budget ng ilang congressional districts para sa 2021, kasunod ng pagbabago sa liderato sa House of Representatives.

Ayon kay Lacson, napansin ng kanyang opisina ang pagtaas sa infrastructure budget sa bersyon ng Kamara sa General Appropriations Bill (GAB) sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco.

Inihalimbawa pa ng senador ang isang distrito na mayroong NEP na P9-B, pero tumaas ito ng P15B, habang may distrito rin na nasa P4-5B, at paglabas ng GAB nadagdagan ng isa pang P4 hanggang 5B, P7.9B, 7.5B.

Maliban dito, ibinunyag rin ni Lacson na tumaas ang infrastructure budget ng mga congressional districts na ang mga kongresista ay malapit na kaalyado ni Velasco.

Samantala, hindi pa naman nagkokomento ang House Speaker, kaugnay sa naturang usapin.