Close

Inflation sa Central Luzon, pinakamababa ayon sa DTI

Sponsor ads


Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry na nanatiling mababa ang regional inflation rate sa Central Luzon kung saan ay nasa 4.5% lang ito noong September.

Ayon kay DTI Regional Dir. Judith Angeles, kumikilos na ang kanilang provincial offices sa Central Luzon kasama ang Local Price Coordinating Council sa pag-asses ng presyo at supply ng mga bilihin sa kanilang nasasakupan.

Ito anya ay para matiyak na sinusuportahan ng mga Local Government Units ang pagsisikap ng DTI na maibsan ang epekto ng tumataas na inflation sa bansa.

Kaugnay nito ay nakipagpulong na rin ang ahensya sa mga rice millers sa Bulacan, sa United Broilers Association at sa Pork Producers Federation of the Philippines upang masigurado na ang supplay sa pagkain at karne ay magiging sapat at magiging rasonable ang kanilang mga presyo para dito.

Base sa records ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate ng buong bansa para sa September ay nasa 6.7% o 0.3% na mas mataas kumpara sa 6.4% na naitala noong Agosto.

Dahil dito ay pinaigting ng DTI ang pag-monitor nito sa mga presyo ng bigas at agricultural products sa buong bansa lalong lalo na sa mga palengke.