Close

Inflation rate para sa buwan ng Nobyembre, bumaba sa 6%

Sponsor ads


Matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng inflation rate nitong mga nakaraang buwan, sa wakas, humina na ito sa buwan ng Nobyembre.

Base sa Consumer Price Index, nasa 6% na lamang ang iflation rate noong nakaraang buwan.

Mas mababa ito sa 6.7% noong buwan ng September at November.

Mababatid na halos pumalo na sa 10-year high ang inflation rate bago ito bumababa noong nakaraang buwan.

Nauna ng sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas think tank at ng Department of Finance, na bababa mula 5.8 hanggang 6.6% at 6.3 hanggang 6.7 percent ang inflation rate para sa buwan ng Nobyembre.