Close

Inflation rate ng bansa, inaasahang huhupa sa 1.5% sa second half ng 2019

Sponsor ads


Asahan na umano ang lalo pang paghupa ng inflation rate ng bansa sa 1.5 percent sa second half ng 2019.

Ayon sa London-based Capital Economics, dahil sa patuloy na downtrend ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado ay babagal pa ang pagtaas ng presyo ng basic commodities sa Pilipinas.

Nakasaad rin sa July 5 report na huhupa ang inflation sa transportasyon bunsod ng pagbagsak ng presyo ng krudo.

Sinabi ni Asia Economist Alex Holmes na noong Mayo ay nagsilbing pangunahing driver ng 2.7 percent na inflation rate ang transportasyon kung saan mula 3.5 percent ay bumaba ito sa 1.6 percent.

Maging ang inflation sa pagkain aniya ay asahan na ang pagbagsak dulot naman ng rice import liberalization na nagpapababa sa presyo ng bigas sa lokal na merkado.

At dahil mas mababa sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.4 percent ang inaasahang inflation rate sa second half, naniniwala si Holmes na dapat nang bawasan ang policy rate ng bansa.