Close

Inflation rate, kontrolado pa rin – PRRD Economic Managers

Sponsor ads


Naniniwala ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte muling bababa ang inflation rate sa bansa matapos itong sumipa sa 5.2% ngayong buwan ng Hulyo.

Sa nagkakaisang pahayag ng Department of Finance, National Economic Development Authority, at Department of Budget and Management sinabi nitong kapag natugunan na ang mga sanhi ng pagtaas ng mga bilihin ay makakamit pa rin ng bansa ang target na paglago ng ekonomiya.

Ayon sa mga economic managers ang pagpalo ng infaltion rate ay bunsod ng mas mabilis na pagtaas ng pangunahing bilhin tulad ng pagkain, langis, at transportasyon na pangunahing dulot ng global oil price, paghina ng piso, at pagtaas ng preso ng bigas.

Nakasaad naman sa pahayag ng mga ito kailangan mas palakasin ngayon ang produksiyon sa agrikultura at nanawagan din ito sa kongreso na madaliin ang pag-amyenda sa Agriculture Tarrification Law.