Close

Indonesia quake death toll: 105

Sponsor ads


Pumalo na sa 105 katao ang naitalang patay sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Lombok, tourist island sa Indonesia.

Ito ay matapos na matagpuan ng mga rescuers ang mga biktima sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

Libu-libo ang nawalan ng tirahan sa mga lugar na matinding tinamaan ng lindol.

Pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi ngayong nagsasagawa na rin ng rescue operations ang mga otoridad sa katabing isla ng Lombok, na Bali.

Hirap ngayon ang Indonesian rescue workers na makaabot sa hilagang bahagi ng Lombok dahil sa iniwang pinsala ng lindol.

Tinatayang nasa 230 aftershocks ang naitala matapos ang quake.

Kung mababatid, noong July 29 lamang ay tinamaan ng 6.4 magnitude na lindol ang Lombok at 17 katao ang naitalang patay habang daan-daang trekkers ang na-stranded sa slopes ng bulkan.

Matatandaang matatagpuan ang Indonesia sa Pacific Ring of Fire at regular na tinatamaan ng lindol.