Close

Indonesia naungusan ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia

Sponsor ads


Naungusan ng bansang Indonesia ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng corona virus disease sa Southeast Asia.

Ito ay matapos makatapagtala ang Indonesia ng 4,411 na bagong kaso ng COVID-19 na naging dahilan para pumalo ito sa 349,160 cases mas mataas sa 348,698 kaso ng Pilipinas.

Maliban dito nagtala din ang naturang bansa ng 112 bagong COVID-19 deaths para sa kabuo-ang 12,268 deathtoll.

Sa ngayon nasa 38.5 million na ang kaso ng COVID-19 worldwide at mayroong 1, 093, 548 katao na ang namamatay dahil sa sakit.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa buong mundo na may 7.9 million cases, sinundan ng India na may 7.3 million at Brazil na mayroong 5.1 million.