Close

Indian PM, inuuga ng mga demostrasyon re unresolved rape cases

Sponsor ads


Dinala na sa mga lansangan ng mga protesters ang kanilang hinaing hinggil sa serye ng mga high-profile rape cases simula noong 2012.

Bago ang protesta ay kasunod ng pagkakaaresto ng mga otoridad sa suspect sa panggagahasa sa isang teenager na isang ruling party politician sa Uttar Pradesh.

Ang kasong ito maliban pa sa rape case din ng isang 8-year old Muslim girl ang umuuga ngayon sa administrasyon ni Prime Minister Narendra Modi dahil sa alegasyon ng kanyang mga kalaban sa pulitika na ipinagtatanggol nito ang mga akusado sa dalawang kaso.

Ito din ang banta sa political career ni Modi na tatakbo for reelection sa susunod na taon.

Dahil dito, nangako si Modi sa isa niyang talumpati na bibigyan niya ng hustisya ang nangyari sa mga tinawag niyang "daughters" na mga biktima.