Close

India, posibleng hagupitin ng strongest cyclone

Sponsor ads


Matapos ang isang buwan ng paghagupit ng malakas na bagyo, muling nanganganib na hagupitin ng panibagong malakas na bagyo ang northeastern coastline ng India.

Ayon sa report, ang Tropical Cyclone Vayu ay nakaipon ng lakas na kasing lakas ng hurricane sa Arabian sea.

Sinasabing lalo pang lumalakas ang bagyo habang papalapit sa hilaga sa susunod na 36 na oras na posibleng maging pinakamalakas na bagyo na tatama sa Northwestern India sa loob ng ilang dekada.

Base sa forecast, posibleng nasa 175 kilometer per hour ang lakas ng bagyo kapag nag-landfall .

Dahil dito, pinag-iingat ang mga mamamayan habang pinalilikas ang mga nasa mga kritikal na lugar.