Close

Ina ng Yanson siblings, may pakiusap sa mga anak

Sponsor ads


Nanawagan ang matriarch sa nagbabangayan na angkan ng mga Yanson sa 4 nitong anak na nag-rebelde para makuha ang kontrol sa pinakamalaking kumpanya ng bus sa bansa, na tigilan na ang pagsisinungaling.

Nanindigan si Olivia Yanson, co-founder ng Valcar Transit Inc., na siya at ang anak niyang si Leo Rey ay walang plano na ibenta ang nasabing kumpanya na taliwas sa paniniwala ng Yanson 4 na sina Roy, Emily, Celina at Ricardo Jr.

Inabisuhan ni Olivia ang 4 nitong nag-re-rebeldeng anak na umiwas sa mga kaibigan nito na ang iniisip lamang ay ang pansariling mga interes.

Ipinunto ni Olivia na malaki ang naging pakinabang ng 4 nitong anak mula sa pagsisikap at dedikasyon ng pinakabata nilang kapatid na si Leo Rey.

Mababatid na nagawa nina Olivia at Leo Rey na makuha muli ang kontrol ng VTI headquarters sa Barangay Mansilingan sa tulong ng mga pulis noong Biyernes.

Magugunita na pinatalsik ng Yanson 4 si Leo Rey bilang presidente ng kumpanya, at saka ipinalit ang pinakamatanda nilang kapatid na si Roy.

Gayunman, iginiit ni Leo Rey na naging illegal ang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ng kanyang mga kapatid dahil ginawa ito sa isang "special meeting" at hindi alinsunod sa by-laws nkumpanya.