Close

Ina, nasaksihan ang pananaksak sa sariling anak sa Ontario

Sponsor ads


Nasaksihan ng isang ina ang pagsaksak sa 14-anyos nitong anak sa labas mismo ng paaralan nito sa Ontario, Canada.

Sinabi ng Hamilton Police Department na sinaksak ang estudyante sa labas ng Sir Winston Chuchill Secondary School sa Hamilton.

Ayon sa detective na si Steve Bereziuk, nasa lugar ang ina ng biktima nang mangyari ang insidente.

Hindi naman masabi ni Bereziuk kung ano ang ginagawa ng ina sa lugar nang mangyari ang krimen.

Naaresto na ang 3 tao na pare-parehong mga suspek sa pananaksak habang patuloy pang hinahanap ng mga otoridad ang 2 iba pa.

Tumanggi naman ang mga pulis na kilalanin ang mga suspek, ngunit sinabi nito na bata pa ang isa sa mga lalaki na nasa kanilang kustodiya.

Sinabi rin ng detective na meron relationship sa pagitan ng mga suspek at biktima ngunit hindi niya idinetalye kung anong klase ng relationship ito.