Close

Ilocos Sur judge, patay sa pamamaril sa La Union

Sponsor ads


Patay ang isang judge ng Ilocos Sur matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa La Union.

Base sa ulat ng pulisya ay nasa loob ng kotse ang 54-anyos na si Judge Mario Anacleto Bañez at pauwi na sana sa kanyang bahay nang siya ay pagbabarilin ng gunmen.

Agad naman nakatakas ang mga suspek habang ang biktima naman ay naisugod sa Bethany Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival.

Si Bañez ang presiding judge ng Regional Trial Court Branch 25 sa Tagudin, Ilocos Sur.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang.