Close

Illinois rabbit, 16, world's oldest ng Guinness

Sponsor ads


Ideneklara bilang world's oldest rabbit ng Guinness World Records, si Mick ng Illinois na nagdiwang ng kanyang 16-na taong kaarawan noong Pebrero.

Ayon kay Liz Rench, may-ari ni Mick, nakilala niya ang naturang kuneho noong 2004 nang mag-volunteer siya sa animal shelter, kung saan inadopt ito ng kanyang kaibigan.

Nang lumipat sa ibang lugar ang kanyang kaibigan, ay ipinagkatiwala ito kay Rench.

"I am very proud of him and have been very inspired by the resilience and positivity he's shown throughout his life," saad ni Rench.

"There were countless times I thought that I was going to lose him, but he's been able to adapt to the aging process with a good attitude and stays strong."

Dagdag ni Rench, 20-taon na siyang nag-aalaga ng kuneho ngunit hindi pa siya nakapag-alaga ng rabbit na nabuhay ng higit sa 13-taon. "Mick is extremely special and I feel lucky to have him in my life!". giit pa ni Rench.

Mababatid na ang pinakamatandang kuneho na kinilala ng Guinness ay isang wild-born Australian rabbit na inalagaan ng Tasmania resident noong 1964 na nabuhay ng mahigit 19-taon.