Close

Illegal posters, nagkalat sa unang araw ng campaign period

Sponsor ads


Nagkalat ang ilegal campaign materials sa unang araw ng campaign period.

Karamihan sa mga kandidato mapa-local o national ay hindi nasunod ang tamang laki at pwesto ng kanilang posters.

Sa kabila ng paulit ulit na abiso ng Commission on Elections ay marami pa ring naglalakihang posters na tumambad sa Zamboanga City.

Sa Quezon City naman, nakasabit ang mga posters sa kawad ng kuryente habang ang iba naman ay nakapaskil pa sa stoplights.

May ilan ring kandidato sa Laoag City at Ilocos Norte na lumabag sa panuntunan.

Mababatid na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakabit ng campaign materials sa labas ng common poster areas, pampublikong lugar at pribadong pag-aari lalo na kung walang pahintulot.