Close

Ilang senador kinuwestiyon ang EUA ng FDA sa Sinovac

Sponsor ads


Kinuwestiyon ng ilang senador kung bakit pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac vaccine ng China para sa emergency use sa Pilipinas, kung hindi naman ito inererekomenda na gamitin para sa pagbabakuna sa mga healthcare workers at senior citizens.

Tanong ni Lacson, paanu mahihikayat ng vaccinator ang taong tuturukan nito kung siya mismo ay dini-discourage ng gobyerno na gumamit ng Sinovac vaccine?

Samantala, maging si Senator Francis Pangilinan ay naguguluhan rin sa naging pronouncement ng FDA.

Ayon kay Pangilinan, hindi niya maintindihan ang polisiya ng gobyerno, kung saan hindi inirerekomenda ang Sinovac sa mga health workers, maging sa mga senior citizen, pero pwedeng iturok sa police at military personnel.

Una nang kasing ipinaliwanag ni FDA Director-General Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac’s vaccine sa mga healthcare workers ay nasa 50.4%, kung saan ito umano ay hindi "best vaccine" na dapat ibigay sa mga medical frontliners na exposed sa Covid-19 patients, pero pwedeng iturok sa clinically healthy individuals na may edad 18 hanggang 59-taong gulang.