Close

Ilang senador, pinuri si Duterte sa paglagda sa national budget

Sponsor ads


Pinuri ng ilang senador ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang higit sa P95 bilyong halaga sa pondo kasabay ng kanyang paglagda sa P3.757 trilyon national budget.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, isa itong pagkapanalo para sa mga Pinoy na nagbabayad ng buwis kaya naman pinupuri niya ang pangulo at economic managers nito sa pagbuo ng "pork-free" national budget.

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, nakahinga na siya ng maluwag ngayong ganap nang batas ang national budget.

Binati rin niya ang pangulo dahil sa pag-veto nito sa pambansang pondo.

Patunay aniya ito na tama ang senado na ang naunang pagbabago sa national budget ay unconstitutional.

Sa ngayon, ay maaari nang mag-focus ang pamahalaan sa pagpapatupad ng nakabinbing proyekto na naantala dahil sa bigong paglagda sa pondo.