Close

Ilang senador, pagpapaliwanagin ang Meralco kaugnay sa May at June bills

Sponsor ads


Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Meralco na linawin ang paliwanag sa mga billing statements nito upang lalo maintindihan ng konsyumers kung para saan ang kanilang binabayaran.

Sinabi ni Gatchalian, chair ng Senate Committee on Energy, na maging siya ay nalito nang matanggap niya ang kanyang electricity bills para sa May at June, sa kabila ng mga nauna nang abiso na inilabas ng Meralco.

Ipinunto ng senador na nais niyang malaman ang mas malinaw na computation at kung bakit pinagsama ang bill para sa May at June.

Hindi makapaniwala si Gatchalian sa sarili niyang electricity bills, dahil imposible anya na nagkaroon siya ng malaking konsumo ng kuryente sa mga nasabing buwan.

Ayon kay Gatchalian, hihingi muna siya ng paliwanag sa Meralco, at kung hindi sapat ang paliwanag nito ay magpapatawag siya ng Senate heraring.

(PHOTO VIA: CNN Philippines)