Close

Ilang senador, nais i-review ang mandato ng MMDA sa traffic

Sponsor ads


Iminungkahi ng ilang senador na ma-review ang mandato ng Metropolitan Manila Development Authority sa paghawak ng trapiko sa EDSA.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services ay sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon na mahirap para sa MMDA na hawakan ang trapiko sa EDSA dahil sa pag-invoke ng lahat ng local government units sa kanilang kapangyarihan sa mga lugar na sakop ng kanilang hurisdiksyon.

Nilinaw naman ni Drilon na hindi ito panggigipit sa kapangyarihan ng LGUs sa nasabing isyu, pero ang management sa EDSA ay kritikal sa ating ekonomiya.

Ipinunto ni Drilon na inamin na ng MMDA na wala itong kapangyarihan dahil hawak ito ng LGUs

Mababatid na kabilang ang Caloocan, Quezon, Mandaluyong, Pasay at Makati sa mga syudad na may hurisdiksyon sa kahabaan ng EDSA.

Samantala, sumangayon naman sina Senator Grace Poe, chairperson ng komite, at Senator Joel Villanueva sa sinabi ni Drilon.

Sinabi ni Poe na kailangan nang ma-review ang mandato ng MMDA lalo na at pinalawak na ang depinisyon ng Metro Manila sa Mega Manila para maisama ang Laguna, Rizal, at Cavite.