Close

Ilang senador, OK sa nationwide plastic ban ni Duterte

Sponsor ads


Welcome kay Sen. Cynthia Villar ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinokonsidera nito ang pagpapatupad ng nationwide plastic ban.

Ayon sa senadora na siyang chair ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, napapanahon ang naturang hakbang lalo't ang Pilipinas ang isa sa world’s largest producers of plastic wastes na napupunta sa karagatan.

Sa pamamagitan aniya ng inisyatibo mula sa presidente, magkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang estado ng bansa pagdating sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa isang ulat mula sa grupong Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment noong 2015, pumangatlo ang Pilipinas sa iggest source of plastic na napupunta sa mga karagatan pagkatapos ng China atIndonesia.

Binanggit din sa isang pahayag ng United Nations Food and Agriculture Organization na kung hindi matutugunan ang plastic pollution hanggang sa taong 2050, mas magiging madami pa ang plastic waste sa dagat kaysa sa mga isda.