Close

Ilang residente sa Davao del Sur, problemado sa tubig dahil sa lindol

Sponsor ads


Problema ng ilang residente sa walong barangay sa bayan ng Matanao, Davao del Sur ang malinis na tubig.

Dahil kasi sa mga nagdaang lindol ay nasira ang kanilang water system.

Pinaka-problemado rito ang nasa 200 residente ng Barangay Kiba-o dahil wala rin silang mainom na tubig.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Bernadette Baldevie, maaari namang mainom ang tubig ngunit delikado ito para sa kanilang kalusugan.

Kaya naman ngayon ay umaasa na lamang ang mga residente sa rasyon ng tubig mula sa mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

Susuriin ng mga otoridad ang sample ng tubig sa Davao City para matukoy kung positibo ito sa E.coli bacteria.