Close

Ilang pasahero ng Emirates EK332, cannot be reached - DOH

Sponsor ads


Nasa 60 percent pa lamang ang nakokontak ng mga health officials na kapwa pasahero ng Pilipinong nahawa sa bagong COVID-19 variant, sa pagdating nito sa Pilipinas, mula Dubai.

Ayon kay Health Department spokesperson Maria Rosario, cannot be reached ang ilan, habang ang iba naman ay nire-reject ang tawag ng mga contact tracers.

Mababatid na 159 na mga pasahero ang kasama ng pasyente sa Emirates EK332, kung saan 92 pa lamang ang kanilang nakokontak.

Samantala, mula naman sa 23 pasahero na naka-upo malapit sa pasyente at ng kanyang nobya, ay 15 indibidwal pa lamang ang nakokontak.

Sinabi naman ni DOH Medical Specialist IV Dr. Alethea de Guzman, na kinausap na nila ang Quezon City government at Interior Department para personal na bisitahin ang mga address ng mga pasahero.