Close

Ilang paaralan sa S. Korea, muling isinara dahil sa COVID-19

Sponsor ads


Muling itinigil ang operasyon ng mga paaralan sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa ilang nga mag-aaral.

Dalawang estudyante ang nadapuan ng coronavirus disease kaya napilitan ang mga otoridad na muling isara ang kabubukas-bukas pa lamang na mga eskuwelahan.

Nadiskubre ang sakit sa mga hindi pinangalanang bata nang suriin ang kanilang temperatura bago pumasok sa building ng kanilang paaralan.

Matapos isailalim sa testing, napag-alaman na ang lagnat ay dulot ng COVID-19 infection.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa mahigit 11,100 ang positive cases ng coronavirus sa South Korea habang nasa halos 300 na ang death toll.