Close

Ilang lugar, nagsuspinde ng klase sa June 14

Sponsor ads


Inaasahan na magiging masama ang panahon ngayong araw dahil sa hanging habagat.

Dahil dito ay minabuti ng ilang lugar na mag-anunsyo ng suspensyon ng pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Kabilang sa mga lugar na walang pasok sa lahat ng antas ang Aguilar, Pangasinan; Bugallon, Pangasinan; Olongapo City; at Orion, Bataan.

Wala naman pasok ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang High School sa Abra; Binmaley, Pangasinan; at Lingayen Pangasinan.

Suspendido rin ang klase mula Kindergarten hanggang Elementary sa Mangaldan, Pangasinan.