Close

Ilang istruktura sa Marawi nasira dahil sa buhawi

Sponsor ads


Nasira ang ilang istruktura sa Marawi City dahil sa tumamang buhawi na tumagal ng 10 minuto sa bahagi ng Barangay Bo.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, kabilang sa nasira ay ang buong ng isang paaralan at city hall.

Nabagsakan pa ng yero ang ilang mga sasakyan.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Tong Pacasum, inaalam na nila ang lawak ng naging pinsala ng buhawi.

Sa ngayon ay wala namang napaulat na sugatan o nasawi sa insidente.