Close

Ilang gasolinahan, nagtaas na ng presyo langis

Sponsor ads


Nagsimula nang magtaas ng presyo sa langis ang ilang mga gasolinahan bilang bahagi ng kakatupad lamang na batas, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, dapat ipagbigay alam ng mga retailers sa kanilang mga customer kung ipinatupad na ng mga ito ang excise tax.

Kaugnay nito ay inabisuhan naman ni Fuentebella ang mga consumer na imonitor pa rin ang presyo langis sa mga gasolinahan kung saan sila nagpapakarga.

Nangako naman ang Pilipinas Shell Petroleum Corp at Chevron Philippines Inc sa publiko na ipapatupad lamang nila ang excise tax pag naubos na ang kanilang mga lumang stock.

Samantala ang Petron naman ay naconsume na ang kanilang mga lumang inventories at hinihintay na lamang ang abiso ng kanilang pamunuan para sa dagdag singil sa presyo ng langis.