Close

Ilang empleyado na positibo sa iligal na droga, pinatalsik

Sponsor ads


Tinanggal sa trabaho ang halos 30 empleyado ng Local Government Unit ng Dumaguete matapos mag-positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ilan sa mga ito ay ang mga casual and job order employees na noong Marso pa umano huling pumasok dahil terminated na ang contracts habang ang ibang regular employees ay dadaan pa sa imbestigasyon bago tuluyang mapatalsik.

Sa pahayag naman ni Deputy City Administrator and Human Resource Manager Dinno Depositario, tinanggi ng ibang empleyado na sila’y drug addicts sa halip ay nakagamit lang minsan sa dinaluhang party o ‘di kaya’y na-pressure lamang ng mga kaibigan.

Dagdag pa ni Depositario, bagamat natanggal na ang mga nasasangkot sa kanilang trabaho ay bibigyan pa muli sila ng pagkakataong makabalik kung sila’y sasailalim sa “wellness program” na ipapatupad ng City Mayor na si Felipe Antonio Remollo na nag-negative sa ginawang malawakang drug test Nobyembre ng nakaraang taon.