Close

Ilang committee hearings sa Senado, ipinagpaliban

Sponsor ads


Ipinagpaliban muna ng Senado ang ilang mga naka-schedule na committee hearings ngayong linggo upang bigyang daan ang mga disaster response efforts sa mga apektadong lugar ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chair Sen. Grace Poe, ini-usog muna nila ang mga pagdinig sa darating na Lunes, Enero 20.

Ito aniya ay upang hayaan muna ang mga kinauukulang ahensya gaya ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Land Transportation Office na makatugon sa disaster efforts.

Kaugnay nito, hinimok ng mambabatas ang mga nasabing kagawaran na maglatag ng mga contigency plans para sa mga residenteng nangangailangan ng transportasyon partikular na ang mga pinaka malalang tinamaan ng pagsabog ng bulkan.

Matatandaang naka-schedule sanang dinggin ngayong linggo ang problema sa accreditation ng mga motorcycle ride-hailing applications tulad ng Angkas at Joyride.//GP