Close

Ilang celebs, makikiisa sa televised special para sa inagurasyon ni Biden

Sponsor ads


Pangungunahan ng aktor na si Tom Hanks ang pag-host sa primetime television special sa Jan. 20 para ipagdiwang ang inagurasyon ni incoming US President Joe Biden.

Ang 90-minute “Celebrating America” special ay dadaluhan ng ilang celebrities kabilang na sina Jon Bon Jovi, Demi Lovato, Justin Timberlake at Ant Clemons.

Magpeperform rin dito sina Lady Gaga at Jennifer Lopez.

Ayon sa inaugural committee, si Democrats Biden at Kamala Harris, na manunumpa bilang pangulo at pangalawang pangulo bago ang naturang event ay magbibigay rin ng mensahe.

Mababatid na binawasan ng komite ang kadalasang inaugural events dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan kinansela ang tradisyunal na parada at inaugural balls sa Washington.

Sa television special, ipapakita ang pagiging matatag ng American people, kabayanihan, at unified commitment para magbuklod bilang isang bansa para sa paghilom at muling pagtatatag.