Close

Ilang brgy chairman, nakadepende sa 'fengshui' ang COC filing

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Sa kabila ng pagdagsa ng mga kakandidato sa SK at Barangay elections ang first hour ng pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy ang City Comelec office subalit may ilang barangay officials na sa loob pa ng linggong ito hanggang sa huling araw sila magpa-file ng kanilang COC.

Tulad na lamang ni Barangay Captain Alvin Veneracion ng Dadiangas South na idadaan muna sa "fengshui" ang petsa ng kaniyang pag-file ng COC at maging ang kulay ng isusuot nito sa naturang araw.

Habang ang ibang barangay officials, ay magsasagawa muna ng meeting sa kaniyang mga constituents kung kailan magpa-file ng COC.

Kaugnay nito, hinikayat ni Atty. April Mitchor, city Comelec officer ng GenSan ang mga kakandidato sa SK at Brgy. elections na hindi na hintayin ang last hour para mag-file ng kanilang COC.

Nabatid na sa GenSan may kabuuang 26 na mga barangay. Joseph Reyes