Close

Ilang atleta ng SOCCSKSARGEN sa Palaro, nagkasakit

Sponsor ads


KORONADAL CITY - DAHIL sa mainit na panahon, dalawang mga atleta at isang principal mula sa SOCCSKSARGEN region ang na-ospital habang nasa Vigan, Ilocos Sur para sa Palarong Pambansa 2018.

Isa sa mga na-ospital ang atleta sa basketball at isa naman sa dance sports na kapwa nagkaroon ng beke o mumps.

Maliban dito may ilang mga atleta ang nagka-allergy at nagsusuka.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Napoleon Comicho, sports coordinator ng Department of Education (DepEd) Koronadal na nasa mabuting kondisyon na ang mga na-ospital at nagawa na silang makapaglaro sa kanilang mga sports event. (Tiffany Jill Trinidad)