Close

Ilang Simbahan sa NCR, balik muna sa online masses

Sponsor ads


Hindi muna magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng kahit anung public religious activities sa kanilang mga Simbahan at shrines mula August 3 hanggang 14 bilang tugon sa panawagan ng medical community na ibalik ang mahigpit na quarantine measures sa Metro Manila.

Ayon kay Apostolic Administrator Broderick Pabillo, nakikiisa sila sa simpatiya ng mga medical frontliners dahil sa dami umano ng tao na dinadala sa mga ospital.

Dahil dito, suportado ng Simbahan ang apela para sa "time out".

Sa gitna nito, nilinaw ni Pabillo na tuloy pa rin ang online activities.

Mababatid na sakop ng naturang Archdiocese ang mga Simbahan sa Manila City at mga kalapit na probinsya gaya ng Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Bataan, Zambales at Mindoro.