Close

Ilan pang gov't officials na iniimbestigahan, pinangalanan ni Duterte

Sponsor ads


Nagbunyag pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng government officials na patuloy na iniimbestigahan ng pamahalaan dahil sa kurapsyon at iba pang paglabag.

Sa isang panayam, binasa ng pangulo ang mga pangalan ng ilang personalidad kabilang ang mga prosecutors na sina Samina Macabando-Usman, Benjamin Lanto (OIC ng Pasay City Prosecutor's Office), Clemente Villanueva,Florencio dela Cruz at isang dating Mayor ng Marawi City.

Kasama rin sa listahan sina Customs Intelligence and Investigation Division Director Adzhar Albani, NAIA customs operations officer Lomontod Macabando, at NAIA-Customs district collector Ramon Anquilan.

Ayon sa pangulo, suspended ang mga opisyal na nasa listahan dahil sa isinasagawang imbestigasyon.

Dagdag pa ni pangulong Duterte, ipapasa nya ang resulta ng imbestigasyon sa Office of the Ombudsman.

Mababatid na una nang pinagbitiw ng pangulo sina assistant secretaries Moselemen Macarambon Sr. at Tingagun Umpa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga alegasyon ng katiwalian.