Close

Ika-4 winning streak ng Celtics nasungkit vs Pacers

Sponsor ads


Nasungkit ng Boston Celtics ang ikaapat na sunod na panalo matapos pataubin nito ang Indiana Pacers sa score na 135-108.

Simula pa lamang ng laban ay hindi na pinaporma ng Celtics ang Pacers kung saan umabot pa ang lamang nito sa 15 puntos sa halftime.

Nanguna para sa Boston sina Jason Tatum at Marcus Morris na nag-ambag ng 20 at 22 points.

Kumamada naman ng 12 points si Kyrie Irving at 22 puntos si Jaylen Brown mula sa bench.

Nanguna para sa Pacer si Somantas Sabonis na mayroon 20 puntos, 7 rebounds at 5 assists.

Sa kabila ng pagkatalo nanatili sa 3rd spot ang Indiana habang 5th place naman ang Celtics sa NBA Eastern Conferemce standing.