Close

Ika-121 Araw ng Kalayaan, ipagdiriwang sa buong bansa

Sponsor ads


Magkakaroon ng kanya-kanyang pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan sa buong bansa ngayong araw.

Ang tema nito ngayong taon ay Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.

Dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng Independence Day sa 6th Infantry Battalion Headquarters, Barangay Matling, Malabang, Lanao del Sur, mamayang hapon.

Magsasagawa naman ng sabayang flag-raising at wreath-laying ceremonies sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang Independence Day rites sa Maynila habang si Education Secretary Leonor Briones sa Lapu Lapu City kung saan unang inimbitahan ang pangulo.

Maliban rito ay magkakaroon rin Araw ng Kalayaan rites sa Barasoain Church Historical Landmark, Malolos Bulacan, Bonifacio National Monument Caloocan City,Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit Cavite, Pinaglabanan Memorial Shrine San Juan City, Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion, North Cemetery Manila at
Pamintuan Mansion, Angeles City Pampanga.