Close

Ian Veneracion, may sikreto para iwas tukso

Ibinunyag ng aktor na si Ian Veneracion ang kanyang sikreto para manatiling loyal sa kanyang misis.

Ayon kay Ian, ang pag-aartista ang naging bread and butter niya pero nagbago raw ito mula nang mag-asawa siya dahil sa kanilang naging negosyo na naging pangunahing pinagkukunan na nila ng kanyang asawa.

Hindi naman kasi aniya panghabambuhay ang showbiz kaya lahat ng kinikita niya dito ay idinidiretso nila agad mag-asawa sa kanilang negosyo dahil kung hindi aniya nila paiikutin ang pera ay parang balde lang itong butas na mabilis ring mawawala.

Dagdag pa ni Ian, lahat ng kanyang pera ay ibinibigay niya sa kanyang misis kaya naman wala siyang budget para pang-kabit o pambabae.

At kung mayroon man siyang gustong bilhin ay lagi niyang itinatanong sa kanyang asawa kung kaya at pwede ba niya itong bilhin.

Sa ganoong paraan ay nakakaiwas aniya siya sa iba't ibang mga tukso at nagiging mas matibay pa ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.