Close

ISIS leader, patay na?

Kinukumpirma na ng Russian Defense Ministry kung napatay na nga nila ang lider ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Ito ay matapos ang ulat ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na maaaring kabilang si al-Baghdadi sa mga nasawi sa isinagawang Russain strikes bago magtapos ang buwan ng Mayo.

Ang naturang airstrike kasi nuong May 28 ay ikinasa para targetin ang meeting ng mga ISIS leaders sa Raqqa sa Syria.

Dito pinaniniwalaang dumalo rin si al-Baghdadi.

Kumpirmado namang present sa meeting ang 30 midlevel field commanders at halos 300 ISIS bodyguards.

Mababatid na mula pa nuong 2015, kabi-kabila na ang mga ulat na napatay na ang lider ng nasabing terrorist group ngunit laging napaga-alamang hindi ito totoo.
#