Close

IRR ng GCTA law, sina Roxas at De Lima ang may gawa -Duterte

Sponsor ads


Nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit ang kasalukuyang administrasyon ang sinisisi sa pagpapatupad ng good conduct-based sentence reduction para sa mga bilanggo gayong ang patakaran rito ay binuo ng nagdaang administrasyon,

Ayon kay Duterte, sina dating Justice Secretary at ngayo'y Senador Leila de Lima pati na si dating Interior Secretary Manual Roxas ang bumuo sa implementing rules and regulations ng expanded good conduct time allowance law.

Mababatid na ito ang naging basehan sa paglaya ng mga kriminal na sangkot sa karumal dumal na krimen mula taong2014 hanggang 2019.

Dagdag pa ng pangulo, sana ay inayos at nilinaw ang nakasaad sa batas para na naiwasan rin sana ang pagkakamali.

Mababatid na ipinag-utos na ng pangulo ang pagtugis sa mga napalayang kriminal na sangkot sa heinous crimes.