Close

INC leader Manalo, itinalagang special envoy for OFWs concerns

Sponsor ads


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy of the president for OFWs concerns ang isa sa mga lider ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo Villanueva Manalo.

Batay sa inilabas na dokumento ng Malaknyang epektibo ang appointment ni Manalo mula a trenta ng Enero ngayong 2018 hanggang Enero a 29 ng 2019.

Maliban kay Manalo ilan pang mga indibidwal ang itinalaga ng pangulo sa pwesto kabilang na si Herman Billones Jumilla bilang undersecretary ng Dept of Budget and Management.

Si Jumilla ang kapalit ng dating usec ng DBM na si Gertrudo de Leon na una nang sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Aabot naman sa dalawampung opisyal pa ang itinalaga sa pwesto ng pangulo sa DILG bilang mga director at operations officers, at labing anim naman ang mga bagong government prosecutors. // LEY BAGUIO