Close

IG ni Pope Francis, iniimbestigahan ng Vatican

Sponsor ads


Iniimbestigahan ng Vatican ang opisyal na Instagram account ni Pope Francis, matapos mapansin ang paglike nito sa sexy photo ng isang model na nakasuot ng racy schoolgirl outfit.

Ang “like” mula sa account na @franciscus ay ibinahagi sa social media noong Nov. 13 at tinanggal matapos ang isang araw.

Kaugnay nito, nakakuha rin ng screen captures ang Brazilian model na si Natalia Garibotto at outlets gaya ng Barstool Sports kaugnay sa kontrobersiyal na “like.”

Agad na nagkomento si Garibotto, at inilarawan ang kanyang sarili bilang “blessed” matapos umano mapansin ng Santo Papa ang kanyang photo, kasabay ng pagsabing mapupunta siya sa langit matapos ang insidente.

Ayon sa ilang sources na malapit sa Vatican press office na ang social media acount ng Santo Papa ay hinahawakan ng isang team.

Samantala, hindi naman umano nagkomento ang Holy See Press Office, kaugnay sa naturang usapin.