Close

ICC: Communication laban kay Duterte, hindi na pwedeng iatras

Sponsor ads


Nilinaw ng International Criminal Court na hindi na pwedeng iatras ang communication na natanggap nito na may kinalaman sa war on drugs ng gobyerno.

Sinabi ng Office of the Prosecutor ng ICC na obligado itong irehistro ang anuman impormasyon na kanilang natatanggap.

Ipinunto ng Prosecutor na hindi nito maaring sirain o ibalik ang impormasyon oras na ito ay makarating sa kanilang kontrol.

Ayon sa ICC, ang anumang tangka ng pag-atras sa communication ay hindi magkakaroon ng epekto sa nagpapatuloy na preliminary examination.

Matatandaan na sinabi ni Jude Sabio, abogado ng umano'y hitman na si Edgar Matobato, na plano niyang iatras ang communication na inihain niya sa ICC noong 2017 kung saan ay tinukoy niya ang drug war ng administrasyon bilang "terrifying" at "gruesome" mass murder.