Close

ICC, 'last resort' para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng DDS, drug war

Naniniwala si Attorney Jude Sabio na ang International Criminal Court nalang ang tanging pag-asa upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng war on drugs at ng tinatawag na Davao Death Squad.

Ito ay matapos aprubahan ang P1,000 pondo para sa Commission on Human Rights para sa taong 2018.

Ayon kay Sabio, malabong magkaroon ng 'full-blown investigation' sa laban kontra droga at DDS dahil ang numero unong sangkot sa mga kasong ito ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Mismong ang pangulo umano kasi ang nagpapawalang bisa sa silbi ng CHR.

Kaugnay naman nito ay tinawag ni Sabio na "utter contempt" ng administrasyon ang pagboto pabor sa 2018 budget ng CHR.