Close

Hurricane Michael, magdudulot ng 'unimaginable devastation'

Sponsor ads


Inanunsyo ng mga opisyal sa Estados Unidos na huli na para lumikas ang mga residenteng nakatira sa dadaaanan ng category 4 storm na Hurricane Michael.

Ginawag ng mga opisyal ang pahayag ilang oras bago tumama ang hurricane sa US mainland taglay ang lakas ng hanging papalo sa 230 km kada oras.

Ayon sa ulat, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Gulf Coast ng Florida at inaasahang ito ang pinakamalakas na bagyong tatama sa rehiyon sa loob ng 100 taon.

Nagbabala si Florida Governor Rick Scott sa mga tao na magdudulot ang hurricane Michael ng "unimaginable devastation."

Sa ngayon, 13 katao na ang naitalang nasawi sa Central America nitong weekend bunsod ng malakas na pag-ulan na nagresulta sa pagbaha.

Mahigit 370,000 katao sa Florida ang inatasang lumikas papunta sa mataas na lugar.

Pero sa mga di pa umano lumikas ay inabisuhan ang mga itong manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.

Nagdeklara na ng state of emergency sa Florida, pati na sa Alabama at Georgia.