Close

Hurricane Florence, magdadala ng deadly storm surges

Sponsor ads


Nagbabala ang Federal Emergency Management Agency (Fema) na maraming posibleng masawi dahil sa Hurricane Florence na papalapit na sa US East Coast.

Ayon sa Fema, posibleng magdulot ito ng mala-delubyong baha sa inland areas.

Gabi ng Huwebes (US time) naramdaman na ang malakas na hangin at ulan sa coastline ng North Carolina.

Halos 1.7 milyong residente na rin mula sa coastlines ng North Carolina, South Carolina, at Virginia ang pinalikas.

Tinatayang aabot na rin sa 11,000 power outages ang naireport sa nasabing state.

Samantala, ibinaba na sa category 2 ang Hurricane Florence pero walang inaasahang pagbabago sa lakas nito bago maglandfall ang mata ng bagyo.

Sinabi ni Fema administrator Brock Long na "very dangerous" ang nasabing bagyo at nakakamatay ang mga inland flooding na dala nito kaya't pinayuhan nang mag-evacuate ang mga residenteng sumuway sa warnings.