Close

House kudeta, 'wishful thinking' - PRRD

Sponsor ads


Minaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ng anak niya na si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na posibleng magkaroon ng kudeta sa House of Representatives upang hamunin ang Speakership bid ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano.

Kung maalala ay inanunsyo ng Pangulo na nais niyang magkaroon ng term sharing sa Speakership sina Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco, habang si Leyte Representative Martin Romualdez naman ang magiging Majority Leader.

Sinabi naman ng Pangulo na "wishful thinking" ang pagsasabi na meron kudeta na mangyayari.

Kampante naman ang Pangulo na hawak ni Cayetano ang numbers para maupo bilang House Speaker.

Kung manalo si Cayetano sa July 22 sa botohan ay magsisilbi siya sa unang 15 buwan ng 18th Congress bilang Speaker na kalaunan ay inaasahang ipapasa niya kay Velasco sa natitirang 21 buwan ng termino.