Close

House, tataasan ng P5-B ang calamity funds para sa 2021

Sponsor ads


Isusulong ng House of Representatives na taasan ng P5 billion ang calamity funds sa ilalim ng 2021 budget para matulungan ang recovery at rehabilitation ng typhoon-struck areas.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, ipapanukala ng Kamara ang allocation hike sa kanilang bicameral conference kaugnay sa P4.506-trillion national budget.

Paliwanag ni Velasco, ang ipinasang pondo ng mababang kapulungan ay bago pa man ang pananalasa ng Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses na nag-iwan ng ilang fatalities at bilyong halaga na danyos.

Mababatid na sa ilalim ng panukalang 2021 budget, P20 billion lang ang inilaan kung saan, ang P5 billion ay ilalaan para sa reconstruction ng war-torn Marawi City, habang ang P6.25 billion ay i-augment sa quick response funds ng ilang ahensya ng gobyerno.

Dahil dito, nasa P8.75 billion na lamang ang natitira na maaring gamitin ng gobyerno para matulungan ang mga biktima ng kalamidad at iba pang disasters.