Close

Hope Kicks, itinalaga bilang White House Communications Director

Itinalaga ni US President Donald Trump bilang interim White House Communications Director si Hope Hicks.

Ikaapat na si Hicks na opisyal na itinalaga sa nasabing posisyon bilang kahalili ni Anthony Scaramucci na nasibak noong July na tumagal lamang ng 10 araw.

Si Hicks ay dating empleyado ng dating Trump Organization at isa sa mga pinagkakatiwaalan ng US President.

Una nito ay nagbitiw sa puwesto ang chief of staff ni President Trump na si Reince Priebus at spokesman na si Sean Spicer nang itinalaga si Scaramucci bilang White House Communications Director.

Mababatid na Scaramucci ay sinipa sa puwesto matapos lamang pagtaasan ng kilay at sungitan ang isang reporter na nagsilbing profanity-laced tirade laban sa kanyang mga kasamahan. |Jasmine Cruz