Close

Hog industry nalugi ng P3 billion dahil sa ASF

Sponsor ads


Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na nagpapatuloy na ang imbestigasyon nila kung paano nakalusot ang African Swine Fever (ASF) virus sa processed meat products ng Mekeni Food Corporation.

Ayon kay Reildrin G. Morales, Head of Secretariat ng DA Crisis Management Team (CMT) on ASF, na batay sa findings nila, negatibo naman ang raw meat products mula UD, Canada at France sa ASF virus na ginagawang processed foods ng Mekeni.

Kaya palaisipan sa kanila kung bakit ang finished products umano ng Mekeni ay positibo sa ASF.

Duda ang opsiyal na may ibang source ng pork ang Mekeni na nag-positibo sa ASF kaya kasama ito sa kanilang tinutukoy.

Hinihintay na ng FDA ang systems audit report ng Mekeni bago maglabas ng report.

Samantala inihayag naman ni aabot na sa P3 billion ang tinatayang halaga ang nalulugi sa pork industry ng bansa magmula ng pumutok ang isyu sa African swine fever nitong nagdaang buwan ng Agosto.