Close

Hiling na pagpapaliban ng 2019 elections, malabo

Sponsor ads


Kumbinsido si Senate President Tito Sotto na malabo nang mangyari ang kahilingan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipagpaliban ang halalan sa May

2019 para mabigyan ng daan ang pagbabago sa saligang batas patungo sa Federalismo.

Ayon kay Sotto maaari lamang mangyari ang sinasabi ni Speaker Alvarez kung aamiyendahan ang batas na nagtatakda ng halalan kada tatlong taon sa

ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo.

Tinutukoy ng senador ang nakapaloob sa Article VI section 8 ng 1987 Constitution.

Isa pang hadlang sa panukala ni Alvarez ay kung papayag ba ang mga mambabatas na ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon.

Samantala, handa naman si Sotto na makipagpulong kay Alvarez ukol sa mungkahi nito.