Close

Higit P3-M ng ‘shabu’nakumspika sa hiwalay na buy-bust

Sponsor ads


Narekober ng mga otoridad ang nasa 300 gramo ng ilegal na droga na mayroong estimated street value na P2,040,000 sa isang drug buy-bust operation sa Las Piñas City.

Ayon pa sa mga otoridad, nakumpiska rin sa nahuling suspek na si Daniel Fernandez ang 50 piraso ng caliber .45 ammunition sa buy-bust operation sa Rosendo St., Saint Joseph Subd., Brgy. Pulang Lupa 2, Las Piñas City.

Nanatili namang at-large ang isa pang suspek na kinilalang si Edgardo Enriquez.

Sa hiwalay naman na buy-bust operation sa Dasmariñas City sa Cavite ay arestado ang dalawang drug pushers kung saan narekober sa mga ito ang 135 gramo o P980,000 na halaga ng pinaniniwalaang “shabu”.

Ayon sa ulat, ibenenta ng mga suspek na sina Akmad Saripada, 19; at kasamahan nitong si Jay Gravoso, 23, ang sachet ng shabu sa isang undercover policeman, dahilan para maaresto ang mga ito.