Close

Higit 3,200 bata naospital dahil sa Dengvaxia —DOH

Sponsor ads


Pumapalo na sa mahigit 3,200 bata na nabakunahan ng anti-dengue vaccine Dengvaxia ang naospital simula noong March 2016.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), 98 percent sa 3,281 na pasyenteng naisugod sa ospital mula noong March 2016 hanggang March 2018 ay nakalabas na rin.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang DOH ang sasagot sa gastusin ng pagpapagamot ng mga ito sa pamamagitan ng PhilHealth.

Nabatid na mula April 5, umaabot na sa P17-M financial assistance ang naibibigay ng DOH sa mga Dengvaxia vaccinees na naisugod sa mga pagamutan sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON at Cebu regions.